‘Yun pala ay pangalan
‘yon ng isang bagong pop alternative band. In fairness, kilala na pala
ang Callalily (ang bigkas ay ‘Cala-lily’) dahil puno ang Metro Bar
nu’ng gabing ‘yon na karamihan ay mga bagets.
Hindi na kami nagtaka
dahil panay bagets ang bumubuo sa Callalily -- sina Kean Cipriano
(vocals, 18 y/o), Aaron Paul Ricafrente (bass, 19 y/o), Tatsi Jamnaque
(guitars, 18 y/o), Alden Acosta (guitars, 17 y/o) at Lemuel Belaro
(drums, 19 y/o).
Destination XYZ
ang titulo ng kanilang debut album.
High school pa sila ay
bandmates na sina Kean at Tatsi. Puro sila taga-UST (Music major si
Kean) maliban kay Tatsi na taga-FEU.
Mas nauna sila sa
teleserye ng Dos kaya hindi roon galing ang name ng banda nila kundi sa
paboritong tinapay ni Kean na callalily (bread na may leche flan sa loob).
Ang lakas ng hiyawan nang
tumugtog na sila. Hit na hit sa mga girlash ang bokalistang si Kean na
ang sexy ng dating pag nagpe-perform na sa stage. Saulado ng fans ang
lyrics ng carrier single nilang Stars (na nag-#1 na sa MYX).
Kuwento sa amin ng
kaibigang Gorgy Rula, nag-audition sa StarStruck 2 si Kean pero
hanggang top 60 lang yata ito.
Last year ay tinulungan
niya itong makapasok sa StarStruck 3, pero eventually ay mas
pinili nito ang pagbabanda. Nakakapanghinayang dahil gustung-gusto raw
ito ng mga taga-StarStruck.
At least, natupad ni Kean
ang pangarap niya na makilala ang kanilang banda at maging isang rakista.